Sunday, October 7, 2007

Kamulatan at Rebolusyon sa Lipunan sa modernong Panulaang Pilipino

Sinulat ni E. SAN JUAN, JR.

Habang ang kanlurang bahagi ng daigdig ay nagpupunyagi matapos ang Rebolusyong Pranses sa ilalim ng mapanirang mga pwersa ng alyenasyon at pagsasamantala, ang Pilipinas, mula pa noong gawin itong kolonya ng Espanya noong ika-17 siglo at sa mas marahas na paraan noong Rebolusyon ng 1898, naghahanap na ito ng kanyang [integral na/kabuuang imahe] bilang isang bansa kung saan ang materyal na mga pwersa ng produksyon sa lahat ng aspeto ng buhay ay mahigpit na mahigpit na nakikiisa sa hininga at pagkatao ng lahat ng mamamayan. Dahil taal na panlipunan ang konsepto at praktika ng kanyang literatura/panitikan, itinadhana ito para bigyan ang masa ng kabutihan/bisa ng kanyang mapagkasundong kapangyarihan. Ang kanyang literatura/panitikan kung gayon ay isang literatura/panitikan ng kapangyarihan, isang kapangyarihan kung saan ang paraan ng pagpapahayag ay ang pagkilos mismo ng kaalaman sa buhay ng sangkatauhan.

Sa hanay ng mga taong may rebolusyonaryong diwa noong ika-19 siglo, si Francisco Balagtas (1788-1862) ang unang nagtibay sa imahe ng manunula/makata bilang isang propagandista, isang lider/pinuno ng [popular na rebolusyon/rebolusyong bayan]. Siya, higit sa lahat, ang nakadama na sa pamamagitan lamang ng pagkilos sa loob ng naghaharing istruktura ng lipunan at ng klase ng ideolohiya nito na sinalamin ng panlasang publiko para sa [kathang-isip/pagtakas sa realidad] na mga romansa at zarzuela (mga moro-morong palabas), maaari siyang magtagumpay na pasukin at agawin ang mga batayang motibasyon, maaaring ikarga/kabigin pero lubusan, ng inaping burgesya at uring manggagawa. Tunay nga na ang ganoong pananaw sa tunggalian sa pagitan ng produktibo at ng parasitikong mga hanay sa lipunan ay nagsilbing isang salalayang papel sa kanyang sining. Kahit na gagap ni Balagtas ang diyalektiko, hindi niya maigpawan ang udyok ng sentimyento. Ang kanyang sining ay pinayabong ng magsasaka at lupa, ng primitibong pandama at natural na mga elemento. Kung gayon, maaari lamang siyang magpahayag sa pamamagitan ng liriko – ito mismo ay isang moda/paraan ng pagdakila at pagkawala/paghilagpos sa pyudal na kaayusan – isang materyal na lubusang nagbibigay sakit at hapis sa kahulugan: Sa loob at labas ng bayan kong sawi kaliluha'y siyang nangyayaring hari, Kagalinga't bait ay nalulumi, ininis sa hukay ng dusa't pighati. Gamit ang isang matalisik na klase ng talinhagang/alegoryang paliguy-ligoy at mala-nagbabalatkayong balangkas ng sanaysay, nilaro/pinakilos ni Balagtas ang tema ng pang-aagaw ng kapangyarihan: isang batambatang prinsipe ng Albanya, hinatulan ng mga mangangamkam ng trono ng kanyang ama na mamatay sa kagubatan, nagdadalamhati sa kanyang kalagayan, kanyang minamahal, kanyang bayan. Sa pamamagitan ng kapakipakinabang na deus ex machina, isang paraan na humahantong sa kagandahang-asal ng tema/paksa, isang prinsipeng Moor ang sukdula'y nagligtas sa kanya. Sa palasak na kongklusyon ng isang kwentong-bibit, nagwakas ang Florante at Laura sa isang nota na kilalang-kilalang akorde ng lahat ng sining na "may kapitalistang oryentasyon", na tinatawag ni Kenneth Burke na epektong pamurga o pandiskarga nito.

Sa pangkalahatan, si Balagtas ngayon ay itinuturing na "ama ng panulaang Tagalog". Ang puna sa kanyang akda, gayunman, hanggang sa ngayo'y mababaw at sa kabuua'y nakakadismaya. Sa pagsisikap ng mga akademisyan na bigyang-diin ang kanyang kahalagahan itinala siya sa walang-saysay at di mahalagang paksa ng linggwahe. Sa Pilipinas, ang linggwahe sa pangunahi'y may tendensyang salaminin ang batayang mga makauring antagonismo. Gayunman, kamakailan lamang ay nagkaroon tuluy-tuloy na muling pagbuhay sa dating/lumang mga zarzuela, at ang masentimyentong pag-aasam na ito sa sinauna ay nag-aambag sa pagkawala/pagkapawi ng pantasya na araw-araw na itinitimo ng mga pelikula at ng lahat ng klase ng seremonyang panrelihiyon. Ito ang pangkalahatang sitwasyon ngayon. Habang naghahanap ang literaturang/panitikang Tagalog ng sariling identidad/pagkakakilanlan, ng isang makatwirang panulaan, sa kalauna'y humahantong ito sa krisis. Dapat bang magpatuloy ito sa walang hanggang paggigiit ng walang-katapusang abstraktong katotohanan at mga masasayang sentimyento? O dapat bang magtuon ito sa pagpipino ng kanyang nilalamang pormal na mga katangian? May iba pa bang alternatibo?

Sa puntong ito, hindi ko kailangang magpahiwatig tungkol sa matatag na tradisyon ng pag-iral ng literaturang/panitikang Tagalog na nagsisimula sa marapat na kinilalang himno na sinulat gamit ang lumang iskrip/titik na Tagalog na matatagpuan sa unang aklat ng Doctrina Christiana (1593). Mula sa panahong iyon hanggang sa pagpasok ng ika-19 na siglo, ipinahayag ng katutubong kamulatan ang mga pangarap at halusinasyon/guni-guni nito sa pamamagitan ng mga Comintang at katutubong kumpetisyon sa panulaan; ipinakita nito ang kanyang mga bangungot sa sinupil na mga pag-aalsa at walang-imik na hapdi ng kalooban. Syempre, ang yugtong ito ng panahon ay naggigiit ng kanyang sariling istorya/kasaysayan na inaasahan nating mababalangkas dito. Nang mabigong isustini ng unang Republika ng Pilipinas ang sarili nito laban sa kapangyarihang Amerikano, nadama na nagsimula na ang isang bagong panahon sa isang siglo ng malalaking pagbabago sa internasyunal. Tanging noong Rebolusyon ng 1898 tunay na nakamtan sa unang pagkakataon ng mga Pilipino ang maituturing na istoriko at umiiral na kamulatan kung saan ang tao ang gumagampan bilang tagapagtakda ng kanyang sariling kalayaan o ng kanyang sariling kaalipnan. Si Rizal, ang pambansang bayani; Mabini, Marcelo del Pilar, Bonifacio at iba pa – bawatd isa'y kumatawan ng mga istorikong pag-unawa sa kanya-kanyang piniling anyo ng literatura/panitikan.

Sa panahong ito nasaksihan ng kilalang iskolar na si Epifanio de los Santos y Cristobal ang isang pagpapakahulugan ng kasaysayan ng Pilipinas bilang isang diyalektikong kilusan na nakabase sa mga relasyong panlipunan. Ipinahiwatig ito sa kanyang Nuestra literature a travis de los siglos, isang maliwanag na testimonya sa paghahanap ng Pilipino para sa malinaw na identidad. Inoobserbahan ni de los Santos nang may pag-unawa ang dakilang muling pagbangon (renaissance) ng teatrong Tagalog: De rechazo lanzose al descubrimiento de nuevos mundos el teatro Tagalo, y con base historica contemporanea, y por lo mismo, no Muy depurada y sujeta a contenci6n, y con tendencia a Simbolismos, pero con orientaci6n restauradora hasta cierto punto De los netamente nacional. (Nang panahong iyon ang teatrong Tagalog ay sumulong para maghanap ng mga bagong larangang sasaklawin. Ang kanyang mga palabas ngayon ay nakabase sa napapanahong kasaysayan; ang mga palabas na ito na hindi nagmumula sa isang matatag na kaayusan, ay sumasalamin ngayon sa mga pagbabago ng panahon. Ipinakita din ng mga ito ang isang tendensya tungong simbolismo at sa ilang antas, tungong pagpapanumbalik ng lahat na pawang pambansa.) Inakala ni de los Santos na ang literaturang Tagalog ay nagsimula na ngayong magnilay-nilay "la unidad de ideas y sentimientos del pueblo filipino, infundi'ndole ese espiritu de critica que le distingue" ("ang pagkakaisa ng mga ideya at sentimyento ng mga Pilipino na dinulot ng diwa ng kritisismo na kumikilala sa kaibhan nito"). Pero ang dahilan kung bakit naging isang dokumentong may napakalaking istorikong kahalagahan ang palagay ni de los Santos ay maibabatay sa kanyang pananaw na napakapambihira noong panahon niya, sa pagiging buo o pagkakaisa ng buhay kolektibong na isang di mababaligtad na patunay ng pambansang pagkakaisa (dahil sina Rizal at Mabini ay nagpahayag lamang tungkol sa isang kalagayang lampas sa indayog ng kanilang hangganan, istorikong itinakdang mga kagustuhan at katangian). Ang kolektibong pagkakaisang ito na nagpapatupad ng kanyang sariling ispontanyong opinyon/palagay, ay nagpapahiwatig ng kanyang nagtatakdang kalidad bilang isang pagpapahayag ng istorikong diwa na nagkakaroon ng mga penomenong bahagi sa insureksyong masa laban sa nakatayong na awtoridad. Inilarawan ni de los Santos ang Zeitgeist (diwang umiiral nang panahong iyon) sa ganito: Como entonces desconocianse las castas dominantes (que aparecieron en pleno siglo XIX), y el gobernalle de los pueblos lo manejaban buenos hombres de la tierra, la influencia de las campanas no podia ser entonces mis edificante y democritica. Por esto, las ideas y cuanto agita, intriga, y regocija la vida universitaria
se reproducia en los pueblos, encontrado eco la cabana del labriego … Del caso de la poblaci6n, la disputa de la lira emigraba a los bantayanes y huertos; de estos, de un respingo, salia disparada para la choza rustica, y de 6sta al parrado del pastor que sestea el ganado. (Dahil ang naghaharing mga saray – na hindi lumitaw hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo – ay hindi pa kilala noon at nasa mga kamay ng mabubuting anak ng lupa ang gubyerno ng mga baryo, sana naging mas magandang halimbawa at demokratiko ang impluwensy ng bansa kaysa noong mga panahong iyon. Ang mga ideya at lahat ng nakakatigatig, nakakabahala at nakakapagbigay-tuwa sa buhay unibersidad ay muling isinilang sa mga baryo at binigyang-buhay sa kubo ng asawang-lalaki…. Mula kabayanan, nagpalipat-lipat sa mga karatig baryo ang lirikong talakayan at sa gayo'y sa isang igpaw isinalin ang kanyang sarili sa simpleng kubo at mula doo'y sa silungan ng pastol na nangangalaga ng baka.)

Sa katunayan, ang naunawaan ni Epifanio de los Santos sa pamamagitan ng isang tuwiran bagamat nag-aapuhap na moda ng pananaliksik ay isang mahalagang istorikong pagkilos ng diwa na nagkahugis sa rebolusyon laban sa Espanya, laban sa pananakop ng militar ng Amerika, laban sa laganap na mapagsamantalang pagpapanginoong maylupa. Ang mga implikasyon nito ay maalingawngaw pa rin ngayon. Pero sa kabila ng kanyang matalas na pag-unawa, ang paraan ng pag-iisip/pagsasaideya ni de los Santos at ang kanyang pormulasyon ng kanyang pag-unawa ay mahigpit na nilimitahan ng kanyang uri at kalagayan. Pagdating sa pagharap sa kinakawawang mga ilitereyt/walang-pinag-aralan at sa umuusbong na proletaryado, hindi siya kakikitaan nang walang pagmamataas ng Kastila, isang ala toreng ivory na pag-asta. Siguro'y napakamapangkilatis niya. May pagdagundong na naganap ang mga pangyayari, dahil sa wakas ay inagaw ng pag-aalsang magsasaka na Sakdalista ng dekada 1930 ang papel na inabandona ng katutubong literatura dahil sa sentimental at nakakasuyang pagpapalayaw.

Sa paglitaw ng klasikong sosyalistang nobela ni Lope K. Santos na Banaag at Sikat (1904), nagtapos ang panahon ng pagkadismaya at naudlot na mga pangarap; nagsimula ang panahon ng pagsusuri-sa-sarili at siguro'y pagsusuri ng konsyensya. Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, isang mananaysay ng literatura, lubos nang umikid ang "Panahon ng Pagbabago"; optimistiko niyang hinulaan na ang "Panahon ng Kasaganaan" ay nagsimula na.Para bang ang panahon ng Commonwealth na kung saan nagkaedad/nagkaisip si Balmaceda ang bumulag sa kanya para tanggapin ang walang-pasubaling mga absoluto nang walang pakundangan sa mga pagbabago sa lipunan. Dahil ang pag-iisip ng tungkol sa pag-unlad o kasaganaan sa literatura ay talagang pagpapayabong sa isang konsepto nang walang totoong batayan; ang mananaysay ay sumusuko sa kanyang makasariling patagong pagiging nanggagaya/gaya-gaya. Sumasang-ayon ako na talagang sa tungkuling pagsira ng mga ilusyon, panlilinlang at kawalang-katarungan muling naagaw ngayon ng literaturang Tagalog ang kanyang tradisyunal pero hanggang ngayo'y naglahong tungkulin na pagiging lubusang nakapangako/bukas-isip sa lumilitaw na mga realidad sa kalagayan ng tao.

Sa unahan ng dakilang muling pagbangon (renaissance) na ito ngayon, si Amado V. Hernandez ang nangunguna sa lahat ng manunulat na Pilipino sa lahat ng larangan. Tunay nga na wala nang mas karapatdapat na maging dakilang tagapagmana ng tradisyong umusbong mula sa sinaunang mga oda ng pagpaparangal, tagumpay, pagluluksa at selebrasyon; isang tradisyong pinayabong nina Balagtas, Marcelo del Pilar, Lope K. Santos; at sa Ingles, nina Arguilla, Salvador Lopez at Rotor kabilang ang iba pa. Patunay si Hernandez ng tunay na lubos na katapatan ng manunulang/makatang Pilipino sa damdamin at pag-iisip. Ang manunula/makata, partikular sa panahon ng krisis, ay laging nagmomobilisa ng kanyang ispititwal na mga rekurso at talento sa ngalan ng kongkretong mga mithiin ng tao. Sa katunayan, saksi ang kanyang buhay sa huwarang tadhana ng malapropetang tinig na nananaghoy sa kagubatan ng anarkiyang pampulitika at pagbuwag ng mamayan.

Sa loob ng maikling panahon ng siglong ito, ang propesyon/tungkulin ni Hernandez ay nagsisilbing huwaran sa radical na transpormasyon na pinagdaanan mismo ng katangian ng pandaigdigang literatura. Ang kanyang pag-unlad ay maitutulad doon kay William Butler Yeats – isang karapatdapat na paghahambing. Dahil noong kabataan ni Hernandez, tulad ni Yeats, pinahalagahan niya nang husto ang damdamin, pribado at suhetibong mga ideya, pag-iisa/kapanglawan, mga pangarap, bilang sentro ng kanyang paksa. At tulad ni Yeats, nang magkaedad na si Hernandez, pinili/ginusto niya ang mga paksang may kagyat na kabuluhan sa lipunan: reporma, katapatan sa serbisyo publiko, [pagpapahalagang sibiko/pagpapahalaga sa mamamayan], di makasariling kagitingan. Sa katunayan sa simula pa lamang, ang kanyang sining ay hindi pa nga isang personal na personal na bagay. Ang makatang/manunulang Pilipino ay laging larawan ng salamangkero ng salita, pari ng mga pistang bayan at koronasyon ng mga reyna; siya mismo ang kumikilos sa gitna ng kalipunpunan ng mga tao, pinakilos nito at nagpapakilos dito.

Sa pagsisimula ng siglong ito, ang panulaan ng Pilipinas gamit ang katutubong wika ay nakapagpatuloy mismo sa kanyang mga pananaw at sentimyento, sa katangiang nakakaantig-damdamin na humuhugong sa tropikong katahimikan ng kapaligiran at pagiging sunud-sunuran ng utak-kolonyal. Nanatili ito at umunlad sa popular na paligsahan ng diwa/pag-iisip sa pamamagitan ng tinatawag na balagtasan (halaw kay Balagtas), isang anyo ng "fly-ting" na may bahagyang pagbabago kung saan dalawang makata ang patulang nagtatagisan sa pagbibigay-katwiran sa isang argumento. Pero ang mga argumentong ito na walang-kwenta sa tingin, ay humuhugot ng kanilang patuloy na lakas mula sa mamamayan – ng kanilang kapalaran at pag-asa. Ang masa ay natatangay sa romantikong mga paksa: halimbawa, Sino ang dapat mag-angkin ng bulaklak na kampupot, ang bubuyog o ang paruparo? Si Hernandez mismo ay lumahok sa unang balagtasan noong Abril 6, 1924. Dagdag pa, nagsulat siya ng mga tula sa kahanga-hangang paraan noong maagang bahagi ng kanyang pagiging aprentis. Ang mga pamagat ng kanyang mga akda ay nagpapakita ng isang kampanteng romantisismo na di natigatig ng mga kabalintunaan ng pang-araw-araw na pamumuhay: "Ang Halik ng Buwan", "Halimuyak ng Gunita", "Sa Kandungan ng Gabi", atbp.

Sa istorikong proseso, tulad ng lahat ng pag-unlad sa kultura, ang panulaan sa kanyang mapagkasundong paggalaw/pagkilos ay kumakatawan at sumasalamin sa diyalektiko ng panlipunan at pampersonal na karanasan. Walang-salang ito ang nagpapatunay ng tuntunin ng panulaang Tagalog sa kabila ng burges na pang-akit na pansariling-pagpapalayaw sa paraan ng lantay na dramang sentimental. Nang mangyari ang tunggalian noong 1926, ang dibate ay kinapalooban ng kasalukuyang alitang pampulitika sa pagitan ng dalawang grupo sa kongreso, ang Koalisyon laban sa Anti-Koalisyon. Kailangan kong ilarawan ng detalyado ang mga sirkunstansyang pampulitika na noo'y umiral sa bayan. Sapat nang sabihin na ang pangangailangan sa istorikong pag-iral ng tao ay walang-salang maipapakita mismo sa lahat ng pagpapahayag/manipestasyon ng pag-iisip at diwa samantalang maaaring paliwanagin ng ganoong mga pagpapahayag/manipestasyon ang mga tensyon na likas sa masalang kalagayan ng buhay. Mula sa perspektibang ito, nagiging makahulugan ang ganoong pangyayari/kaganapan: sa wakas, kinilala at pinagtibay ng balagtasan ang pinggalingan nito mula sa kinaugaliang panlipunan ng duplo, isang paligsahang pampanulaan na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi ng isang lamayan. Sa duplo, ang kolektibo ang talagang gumaganap bilang bida. Sa seremonya mismo – dahil ginagawa itong isang seremonya – ang magkakalaban, isinasabuhay ng belyako (lalaki) at ng belyaka (babae), habang nasa likuran ang patay, ang pagpapatotoo ng tao sa buhay at ang walang tigil na paghahanap ng katarungan at katotohanan. Ano pa ba ang mas angkop para sa papel na ito kundi ang mga maskarang/katangiang Dionysius ng mga belyakos? Isa sa mga natira sa henerasyong unang nagpasimula ng kamulatan-sa-sarili gamit ang katutubong wika, muling bumangon si Hernandez pagkatapos ng nakapanlulumong karanasan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lahat noo'y mukhang karamay sa rekonstruksyon ng buong bayan. Ang ila'y lubusang sumuko mula sa magulong eksena para mag-ihaw sa sariling impyerno o humapon sa sariling kalangitan; inilaan ng iba ang kanilang konsyensya at responsibilidad sa Simbahan o kaya nama'y sa kasakiman. Taliwas sa pangkalahatang pagkayamot, hinarap ni Hernandez, nang mulat sa ganap niyang pagsangkot sa tadhana ng lahat ng kanyang kababayan, ang tanawin ng pisikal na kapanglawan at kalituhan sa pulitika. Inilaan niya ang kanyang sarili para magsalita nang maliwanag sa publiko tungkol sa mga pangarap ng mahihirap at protesta ng mga biktima. Tulad ng di pagtanggi ni Yeats sa panawagan ng Republika ng Ireland at pagtanggap sa papel ng senador, inabandona din ni Hernandez ang kanyang "lawrel at lira" para magsilbi ng dalawang beses bilang konsehal sa kabiserang lunsod ng Maynila. Mas mahalaga pa'y nagsilbi siya bilang presidente ng Kongreso ng mga Organisasyon sa Paggawa [Congress of Labor Organizations (CLO)], ang pinakamalaking union sa paggawa sa Pilipinas. Itinulak ng korupsyon/katiwalian sa gubyerno ang mamamayan para mag-alsa; di nagtagal, ang bayan ay kamuntik nang lubusang bumagsak. Sa isteryang witch-hunting, ang eksenang McCarthy sa United States ay isang mas mahinahong paraan. Naging biktima si Hernandez ng takong na bakal ng mala-totalitaryanang establesimyento. Ang mahigit anim na taong pagkabilanggo sa Muntinlupa ay sapat-sapat na para hikayatin siya nang mas maigting sa isang katotohanang walang dudang sinaniban/tinigib na niya ng kanyang laman at dugo bilang isang sakramento ng katapatan/katotohanan: na bawat tao ay may responsibilidad sa tadhana ng kanyang kapwa. Nang sa wakas ay nagbayad-puri sa kanya ang gubyerno sa ilalim ng bagong rehimen para sa pagkakasala nito sa pamamagitan ng paggagawad sa kanya ng 1962 Republic Cultural Heritage Award, inilalagay lamang nito ang kanyang "upisyal na selyo" nito sa nakamit na katotohanan: Si Hernandez ang hinirang na tribuna ng karaniwang mamamayan.

Samantalang mulat si Yeats na ang sining ay lumilipas kung pinagkakaitan ng nagpapasiglang enerhiya ng organikong pisikal na buhay, ginamit niya nang husto ang mga alamat at supernaturl na mga paniniwala sa kanyang pagsusulat ng mga tula.Kumikilos si Hernandez sa isang absolutong modernong batayan. Tinatanggap ni Hernandez ang panahon at kasaysayan bilang batayan ng kahigtan/pagkasuperyor: ang kahigtan ng tao ay maaari lamang pairalin sa ilalim ng mortal na kawalang-katiyakan. Ang kanyang teatro ay ang istorikong karanasan, ang kanyang mga paksa at tema ay pagiging buhay na mga konprontasyon ng pundamental na mga problema. Samakatwid, ang panulaan ni Hernandez ay maaaring tawaging "Malaswa" kung sa salitang "Malaswa" ay tinutukoy natin ang mga pagsasalungatan sa tono, mahagyang pagkakaiba at mga implikasyon na nananatili sa loob ng pagkakaisa/armonya ng ritmo at kaisahan ng epekto. Ang kanyang panulaan kung gayon ay malaswa na katulad ng pagiging malaswa ng Odas elementales ni Pablo Neruda o ng mga balad ni Brecht o mga talumpating patula ni Mayakovsky. Ang ganoong kalaswaan ay kinapapalooban ng esensyal na dimensyon ng buhay na kinakatawan ng makata/manunula sa salita, itinatakda ng kanyang pagkilala sa mga posibilidad ng tao para sa kabutihan at ng isang pag-unawa sa mga tuksong nakapaligid sa kanya. Sa kontekstong ito, kinakatawan ng tagumpay ni Hernandez ang integridad ng isang kamulatang ang aktibidad, ang pinanggagalingan ng lahat ng kahulugan at kabuluhan, ay ang sarili nitong viru at pagbibigay-katwiran.

Sa pagkakalimbag ng Isang Dipang Langit, mga piling tula ni Hernandez noong 1961, nangunguna siya sa pagtulak sa mapanlikhang imahinasyon para makamit ang esensya at kabuluhan nito sa buhay ng tao. Laging binibigyang-diin ni Hernandez ang mapanlikhang prinsipyo ng isang tula. Halimbawa, sinabi niyang: "Ang isang tula ay hiyas-diwa ng pinaglangkap na karanasan (mula sa labas) at damdami't guniguni (sa loob) ng makata, sa bisa ng salita". Sinusuportahan din ni Hernandez ang pagkamatapat ni Albert Camus sa kongkreto, pangunahing/kagyat na [pag-uusap/salitaan/diyalogo] ng tao at kanyang makamundong kahihinatnan. Tungkol kay Karl Marx, naniniwala siya na ang mapanlikhang pagkilos at ang resulta nito ay hindi pang habampanahon, kundi higit pa'y para sa istorikong kalagayan na obhetibo at kongkretong binibigyang-kahulugan nito – ang kinakailangang batayan na dapat tanggapin/kamtin ng sining bago umasang maigpawan ang istorikong kalagayan. Tulad nang minsa'y sinulat ni Engels, dapat kilalanin ng tao na sa pagkakamit lamang ng kinakailangan, matatamo niya ang kanyang kalayaan. Bagamat tinatanggap ni Hernandez ang identidad ng sining bilang isang "kongkretong unibersal", gayon ma'y sinasang-ayunan niya ang pagiging pangunahin ng karanasan ng tao sa [kasalukuyan kalagayan/kagyatan]. Matapos lahat, ang iniisip ni Dante bilang apat an antas ng kritikal na pakahulugan/paliwanag ay hindi maaaring maipatupad hanggat hindi muna puspusang nauunawaan ang literal o pagpapakahulugang antas.

Ang pahapyaw na tingin sa pumpong ng akda ni Hernandez ay magpapakita na sinasaklaw niya ang napakaraming paksa at moda/paraan ng pagtalakay na di matutumbasan o mapapantayan ng sinumang makatang nagsusulat sa Pilipinas ngayon. Sa porma/anyo at nilalaman, ginagamit/pinakikinabangan ng kanyang panulaan ang lahat ng partikular at unibersal: mga langgam, si Mahatma Gandhi, rebolusyon, kalayaan, pag-ibig, bilangguan, tadhana, atbp. Pinaghahalu-halo niya ang mga estilo, iniimbento ang mga retorika, ikinukumbina ang mga perspektiba sa pinakaepektibong ayos ng pagsasalita at tono ng matalinhagang paglalarawan. Eksperto sa tradisyunal na mga balangkas ng syensya ng panulaan at palaugnayan/sintaks ng panulaan, walang-takot na nagpasimula si Hernandez ng bago, di karaniwang mga pamamaraan: sa tradisyon ng natatanging kabalintunaan, siya ay kapwa isang [tagapagtaguyod ng reporma/repormista] at rebelde. Dahil nabubuhay ang tao sa tamang kumpas, lubusang pinanghahawakan ni Hernandez, ang tula na habang ipinepreserba ang kanyang esensya bilang isang nagsasariling organismong estetiko, ay nagpapakita ng napakaraming moda/paraan ng pag-iral na nakaugnay sa tao. Ang [saklaw ng pag-iisip/paksa] ng mga manunulat na kanyang naisalin ay nagpapakita man lamang ng lawak ng kanyang simpatya at interes: sina Shakespeare, Balzac, Whitman, Lorca, Eliot, Pushkin, Robert Graves, Vallejo, Ruben Dario, Sandburg at marami pang iba.

Sa kompleks/masalimuot na istruktura ng mga tula ni Hernandez, laging inilalarawan ng mundo ang sarili sa proseso ng paglikha at pagbabagong-anyo. Ikinukunsidera ng ganoong proseso ang mga kontradiksyon at pakikipagkaisang nadarama at nakikita natin sa ating paligid; lagi nitong sinusunod ang direksyon ng isang kumukontrol na kagustuhan na kung saan, bagamat ito ang ultimong nagpipino at nag-uuliran, ay humahantong, gayunman, sa pagdedeklara nito ng katapatan sa pagiging totoo ng hilaw na katotohanan at nadamang karanasan. Sa kahusayan ng panulaan ni Hernandez, laging nakikitang pumapailanlang ang mga aktitud at pagpapahalaga. Hinihingi ng mga prinsipyong pantao ang mga imahe, pananalita at palaugnayan/sintaks sa loob ng malinaw na balangkas ng kalagayan. Ang klasikong balanse ng kaisipan at sentimyento ay patuloy na nagsisilbi sa layunin ng buong kumpigurasyon, ibig sabihin, para maipakita ang "nagsasakatuparang" tungkulin ng isipan na kumikilala sa sentro ng intensyon, ang estilo at telo o layuning nagpapahayag na nagsasama-sama ng mga bagay na nakikita, naiisip at naiiba para tunay na mabuo. Bagamat laging iminumungkahi ni Hernandez ang paghawak sa paniniwalang Christiano bilang isang paraan ng dramatikong resolusyon, isang klase ng pangangatwiran, angkanyang pagpapahayag gayunma'y nangangailangan ng pagpapatotoo dahil lamang sa ito'y napakapersonal, may likas na tendensya at pinalaya mula sa mapaniiil na kahigpitan ng mga naitakdang doktrina o ng nakakalumpong impluwensya ng mga institusyong nagsisilbi bilang pinakaepisyenteng sandata ng uring nasa kapangyarihan. Hinahangad ni Hernandez na makaigpaw sa malalaking pagbabago sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagtanggap sa likas na mga limitasyon ng tao. Karapat-dapat nating tawaging isang panata ng kababaang-loob ang sining ni Hernandez. Pero sa kanyang kababaang-loob ito rin ay isang panulaan ng pag-aalsa na pinuspos ng diwa ng paglaban sa mga pwersa ng nihilismo at kamatayan. Ang kanyang natatanging layunin ay ang pagpapatotoo ng buhay sa mapanlikhang pag-iral nito.Isaalang-alang kung paanong sa sumusunod na tula, lahat ng katangian at kalidad ay obhetibong makikita nang malinaw:

Ang Panday

Kaputol na bakal na dungkal sa bundok,
dinalisay muna sa apoy, lumambot;
sa isang pandaya'y matyagang pinukpok,
niyari ng panday na nasa ng loob.

Walang anu-ano'y naging kagamitan
araro na ngayon ang bakal na iyan-,
ang bukiri'y buong sipag na binungkal,
kasabay ang tanim ng dilig ng ulan.

Nguni't isang araw, sumiklab ang gulo
at ang sambayanan ay bulkang sumubo;
tanang makabansa'y nagtayo ng hukbo
pagkat may laban nang nag-aalimpuyo!

Ang lumang araro'y pinagbagang dagii,
Nilagyan ng talim nang pandaying muli;
Naging tabak namang tila humihingi
Ng paghihiganti ng lahing sawi!

Kaputol na bakal na kislap ma'y wala,
nguni't ang halaga'y hindi matingkala-
ginawang araro't pambuhay ng madla,
ginawang sandata: pananggol ng bansa!

Pagmasdan ang panday, bakal din anaki,
walang kayabanga't nasa isang tabi,
subali't sa kanyang kamay na marumi
ay naryan ang buhay at pagsasarili!

Kung mayroon mang manunulat ngayon sa Pilipinas na masasabing kumakatawan sa pangako ng isang katutubong literatura na masidhing isinasabuhay ng mamamayan sa diwa at gawa, karapatdapat lamang kay Amado V. Hernandez ang papuring/pagkilalang ito.

2 comments:

contrabandiction said...
This comment has been removed by the author.
geri a.k.a. spamdog said...

Hi there. kindly remove the badge of Sikat Ang Websaytko, its not working anymore. The URL has been changed. Please dropby at http://www.sikatangwebsaytko.info. Thanks.